Marami na ang natulungan ni Raffy Tulfo at nananatiling tumutulong pa din sa mga mahihirap at kapos palat, sa mga naaagrabyado at sa lahat na nangangailangan ng tulong.
Ayon kay Elnie, naaksidente si Edgar noong nakaraang taon. Wala sila kakayahang dalhin si Edgar sa ospital dahil isang magsasaka ang kanyang ama at hindi sapat ang kinikita ng kanilang ama para ipagamot ang kanyang kapatid.
Naging buto't balat si Edgar, hindi makatayo at namamaga ang dalawang paa. Binigyan naman ng agarang tulong ni Raffy Tulfo para sa pagpapagamot ni Edgar at para madala na siya sa ospital. Nagpaabot ng P50,000 si Raffy Tulfo noong mismong Marso 13 at nagpadala siya ng mga staff para mag-assist kay Edgar at sa pamilya nito.
Ngunit, noong Marso 19 ay malungkot na binalita ni Raffy Tulfo na hindi na nakayanan ni Edgar at siya ay binawian na ng buhay. Kwento ni Elnie, humingi pa ng tubig ang kanyang kapatid at matapos no'n ay binawian na din ng buhay.
Labis-labis naman ang pagdadalamhati ng naulilang pamilya ni Edgar. Nagpaabot muli ng tulong si Raffy Tulfo at sinagot na niya ang pangbayat sa pagpapalibing ni Edgar. Laking pasasalamat naman ng pamilya kay Raffy Tulfo sa tulong na ibinagay nito sa kanila.
Share this story by clicking the button below !
Visit and follow our website: Trending News Viral
© Trending News Viral
No comments:
Post a Comment