Wednesday, March 10, 2021

Binatilyo na napahamak dahil sa biruan ng tropa, Mga sangkot pinapahanap ng Tiyahin


  Nagbigay ng update ang tiya ng binatilyong Si Ralph Agramon, ang binatilyo sa viral video na pinaikot-ikot ng kanyang mga kaibigan bago ihulog sa swimming pool.

Hindi agad nakaahon sa pool ang binatilyo dahil sa pagkahilo sa matinding pag-ikot sa kanya nang mga tropa na sinabing "prank" at biro lamang ang nangyari.


Sa post sa social media ng nagpakilalang tiyahinni Ralph na si Razel Yorsua Valdez, sinabi nitong nagpapagaling na ang pamangkin sa ospital matapos ang nangyari.

Subalit, hindi manlang dumadalaw ang mga kaibigan na kasamasa viral video at ang gumawa umano sakanya ng nasabing prank.


"Nasaan yung tinuturing mong mga barkada? Ni dalaw diba wala? Iyan ba yung mga kaibigan? Kaya maging aral sana to sa lahat! Hindi sa lahat ng pagkakataon anjan mga barkada mo tutulong sa'yo"

Hindi naiwasan ni Razel, maglabas ng hinanakit sa mga kaibigan ng pamangkin na hindi agad tumulong ng makita na hindi na ito makaahon sa tubig.


"Shout out sa barkada mong nakuha pang mag video na alam na nilang hirap kana di ka pa tinulungan"


"Pinagtatawanan kapa! Masakit isipin na yung tinuturing mo nn mga tropa mo, yun pla ang magpapahamak sa'yo"


Ayon kay Razel, magsilbing aral ang nangyari sa kanyang pamangkin sa ibang mga kabataan lalu na kung lalabas na walang kasamang nakakatanda.


Laking pasalamat parin nila sa mga nagmalasakit sa nagpapagaling niyang pamangkin.



Ano ang masasabi mo sa usaping ito?  

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment