Sunday, March 7, 2021

Ama ng tahanan, Humingi ng pasensya sa kanyang mga anak dahil Tsitsirya, Kamatis at Itlog lang ang kanilang ulam


 Ama, Humingi ng Tawad sa Kanyang mga Anak Dahil Kamatis, Tsitsirya at Itlog ang Kanilang Ulam



Masakit para sa isang ama ang hindi nila maibigay ang magandang buhay para sa kanilang mga anak. Kaya naman isang ama ang humingi ng tawad sa kanyang mga anak dahil kamatis, tsitsirya at itlog lamang ang naihain niya.




"Mga anak, pag-pasensiyahan n’yo muna ang hinapag ko ngayong Lunes. Hindi sumuweldo ang tatay n’yo, mahina ang pasada." Ayon kay tatay sa kanyang post.


Patawang dagdag pa ng kanilang ama, isipin na lamang nila (mga anak) na itlog ng dinasaur, at ang salmon fish ay nabili pa niya sa ibang bansa habang ang kamatis naman ay galing pang Canada.

"Wag nyo na lang papansinin mag-kulubot na lang kayo para ‘di gugulo ang bulati n’yo sa stomach hahahhahahaa. senya na sa mga post ku.puro katotohanan yan. STAY SAFE."


Maraming natuwa at namanghang netizens sa post na ito. Umani ito ng iba't ibang reaksyon at mga positibong komento. "Ipagpapasalamat po sa Diyos ang lahat, kaunti man o marami, blessing po ‘yan lahat lalo na po ang kalusugan. Kami po, lumaki lang din sa bukid na saging at kamote ang kinakain namin noon, pero may awa po ang Diyos. Dasal lang po. ‘Di niya tayo pababayaan."

"Naranasan nga namin na isang itlog pinaghati-hatian pa namin ng asawa at tatlo naming anak. Pero nagpapasalamat kami at least, may nakain pa rin kami. Minsan wala talaga."


Karamihan man sa atin ay kapos at hindi nakakakain ng masasarap na pagkain, magpasalamat pa din sa Maykapal dahil sa biyayang pinagkakaloob niya sa atin at higit sa lahat ay masaya ang pamilya kahit na kamatis, tsitsirya at itlog lamang ang nasa hapag-kainan.

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment