Wednesday, August 8, 2018

Pinaalis Ng Ama Ang Kanyang Anak Para Masulo Niya Ang Nobya Laking Pagsisisi Niya Dahil May Trahedyang Nangyari


Upang Masolo ang Nobya ay Pinaalis ng Tatay ang Kanyang Anak, Laking Pagsisisi Niya nang May Trahedyang Naganap Dito

    “Nobody knows that she’s a lonely girl, and it’s a lonely world.” – Alicia Keys

Maririnig na tumutugtog sa radyo, isang magandang sikat ng araw ang sumalubong kay Jenny. Bumaba siya sa sala at doon ay nakita ang amang nagkakape na at nagfe-facebook sa tablet na binili niya dito.



“Good morning Pa.”

“Oh, Jenny gising ka na pala,” hindi pa rin nawawala ang tingin sa facebook nito sa tablet. Natatawa pa ito habang may binabasa doon.


“Pa…” tila nauumid ang kanyang dila sa gustong sabihin sa ama. Gusto niya lang namang itanong kung may naalala ba ito ngayong araw. “Pa…”

“Ano ba, Jenny? Paulit-ulit ka. Kanina ka pa Pa ng Pa d’yan. Ano ba kailangan mo?” tila nairita na ito at sa wakas ay tinignan siya.

“Sorry po,” aniya sabay yuko.

Ngunit sa kanyang pagyuko ay napansin niyang nagbago ang ekspresyon nito.

“Oo nga pala, Jenny…”

Nabuhayan siya ng pag-asa. Baka naalala na niya! Sa isip-isip pa ng dalaga.



“Pwede ka bang umuwi muna sa ina mo ngayon? Gusto kasi nitong girlfriend ko na mag-overnight ngayon sa bahay,” anito na nangingiti pa.

Tila may kutsilyo na tumusok ng diretso sa puso ni Jenny. Hindi malaman kung maiiyak o matatawa na lang siya sa sinabi ng ama.

“Ano, Jenny? Ayaw mo ba? Hindi mo ba mapagbibigyan ang papa mo? Minsan lang naman ako humingi ng pabor sayo.”

Minsan ka nga lang po humingi ng pabor, ganito pa. At ngayong araw pa. Maluha-luha na si Jenny ngunit ayaw niya itong ipakita sa ama kaya naman pilit na naman siyang ngumiti at tumango sa ama.
“Okay po.


Napagdesisyunan ni Jenny na bumiyahe na kaagad dahil malayo sa Manila ang Quezon kung saan naroon ang kanyang ina.

Gabi na siya nakarating sa kanyang destinasyon. Pagod at gutom na siya sa byahe. Kung tutuusin kasi ay sakto lang ang pera niya pamasahe.

“Doon nalang ako kakain kila mama. Namimiss ko na ang masarap na luto niya,” aniya sabay kulo ng tiyan niya.

Kumatok si Jenny sa bakal na gate ng bahay.

“Akin ‘yan Michael!” sigaw ng batang lalaki sa nakababatang kapatid nito.

“Akin ‘to! Bigay ni mama sa akin ‘to!”


“Akin sabi ‘to eh!” anito sabay kuha sa laruan at tulak sa kapatid. Sinabayan naman ng malakas na iyak ng bata. Doon na dumating ang mama niya at nilapitan ang bunsong anak at tinanong kung anong nangyari.

“Don’t worry baby, bibilhan ka nalang ng bago ni mama, yung mas malaki. Okay?”

“Ma…” maluha-luha niyang tawag dito.

“Oh, Jenny andyan ka pala. Anong ginagawa mo dito? Diba sabi ko sayo ‘wag ka pupunta ng di nagsasabi? Tulad ngayon, uuwi ang ama ng mga ‘to. Di ka pwede dito, Jenny.”

Walang nagawa si Jenny kundi bumalik pa-Maynila na mabigat ang nararamdaman. Birthday niya ngayon, ngunit ‘ni isa sa mga magulang niya ay walang nakaalala.



Sa bus ay itinulog nalang ni Jenny ang gutom at sakit na nararamdaman. Malakas na sigawan ang gumising sa kanya. Mahuhulog na pala sa bangin ang bus na sinasakyan niya.

Ngunit imbes na matakot ay isang ngiti ang namutawi kay Jenny. Sa wakas ay makakapag-celebrate na siya ng birthday niya, sa piling ng Panginoon.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment