Nais Bumili ng Batang Ito ng Cake na May Icing sa Halagang Otso Pesos, Dali-dali Siyang Binigyan ng Tatlo ng Tindera nang Marining ang Dahilan Niya
Magdadalawang buwan nang nagtatrabaho si Annajoy bilang tindera sa isang bakery. Magaan naman para sa kanya iyon dahil magbabantay lang naman siya at magbebenta, hindi naman ito katulad ng palengke na dagsa ang tao. Dumarami lang ang bumibili kapag umaga dahil nakasanayan na ng mga Pilipino na tinapay ang alsumal, at hapon para sa meryenda.
“Ate magkano itong cupcake, yung may icing?” tanong ng isang batang lalaki na sa tingin ni Annajoy ay 6 taong gulang.
“Kinse pesos toy.” sagot niya rito.Napukaw naman ang atensyon niya ng isa pang customer, hanggang nag sunod-sunod na ang bumibili dahil oras ng almusal.
Tanghaling tapat na nang mapansin ni Annajoy na naroon pa rin pala ang bata, medyo tumabi lang ito kaya di niya nakita agad.
Nang makita nitong nakatingin siya ay agad itong lumapit.
“Ate meron po bang tig-otso lang?” tanong nito sa kanya.
“Wala, pero etong mamon limang piso lang. May tres kapa,” sabi niya rito.
“May icing po ba ang mamon?” inosenteng sabi nito sa kanya.
“Toy, kapag may icing syempre mahal. Kapag otso lang pera mo eto lang mga mabibili mo.” at itinuro niya rito ang mga cookies, bitso, donut na may asukal.
“Sige h-ho.. kahit sana lagyan mo ng konting icing ate?” pangungulit pa nito sa kanya.
“Toy, hindi ako ang nagluluto niyan. Gawa na yan at hindi kona pwedeng galawin! Bakit ba kasi, bibili ka ba?” iritang tanong niya dahil baka nangungulit lang ito.
“B-birthday po kasi ng kapatid ko, 3 years old ho. Eh gusto niya ho ng cake kaya lang ito lang ang naipon ko para sa kanya..” mahinang sabi nito.
Nabigla naman si Annajoy, di nya inasahan na para pala sa kapatid nito ang gusto ng bata. Agad siyang kumuha ng tatlong cupcake at inilagay iyon sa kahon. Siya na lang ang mag-aabono.
Nagliwanag ang mukha ng bata at iniabot sa kanya ang otso pesos pero di niya iyon tinanggap.
“Salamat po!” nakangiting sabi nito.
“Wala yan toy. Happy Birthday sa kapatid mo,” nakangiting sabi niya.
Tumakbo agad ito at nakita niyang nilapitan ang isang batang babae, narinig niyang kinantahan pa nito ng happy birthday ang tuwang tuwang batang babae.
Napahawak sa kanyang dibdib si Annajoy dahil sa sobrang kagalakan na nadarama. Ano lamang ba ang 45 pesos na nawala sa kanya kumpara sa sayang naibahagi niya sa magkapatid na salat sa buhay? Pakiramdam niya’y siya ang ginawang instrumento ng Panginoon upang pangitiin ang mga munting anghel na nagkalat sa lansangan.
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.
Magdadalawang buwan nang nagtatrabaho si Annajoy bilang tindera sa isang bakery. Magaan naman para sa kanya iyon dahil magbabantay lang naman siya at magbebenta, hindi naman ito katulad ng palengke na dagsa ang tao. Dumarami lang ang bumibili kapag umaga dahil nakasanayan na ng mga Pilipino na tinapay ang alsumal, at hapon para sa meryenda.
“Ate magkano itong cupcake, yung may icing?” tanong ng isang batang lalaki na sa tingin ni Annajoy ay 6 taong gulang.
Tanghaling tapat na nang mapansin ni Annajoy na naroon pa rin pala ang bata, medyo tumabi lang ito kaya di niya nakita agad.
Nang makita nitong nakatingin siya ay agad itong lumapit.
“Ate meron po bang tig-otso lang?” tanong nito sa kanya.
“May icing po ba ang mamon?” inosenteng sabi nito sa kanya.
“Toy, kapag may icing syempre mahal. Kapag otso lang pera mo eto lang mga mabibili mo.” at itinuro niya rito ang mga cookies, bitso, donut na may asukal.
“Sige h-ho.. kahit sana lagyan mo ng konting icing ate?” pangungulit pa nito sa kanya.
“B-birthday po kasi ng kapatid ko, 3 years old ho. Eh gusto niya ho ng cake kaya lang ito lang ang naipon ko para sa kanya..” mahinang sabi nito.
Nabigla naman si Annajoy, di nya inasahan na para pala sa kapatid nito ang gusto ng bata. Agad siyang kumuha ng tatlong cupcake at inilagay iyon sa kahon. Siya na lang ang mag-aabono.
Nagliwanag ang mukha ng bata at iniabot sa kanya ang otso pesos pero di niya iyon tinanggap.
“Salamat po!” nakangiting sabi nito.
Tumakbo agad ito at nakita niyang nilapitan ang isang batang babae, narinig niyang kinantahan pa nito ng happy birthday ang tuwang tuwang batang babae.
Napahawak sa kanyang dibdib si Annajoy dahil sa sobrang kagalakan na nadarama. Ano lamang ba ang 45 pesos na nawala sa kanya kumpara sa sayang naibahagi niya sa magkapatid na salat sa buhay? Pakiramdam niya’y siya ang ginawang instrumento ng Panginoon upang pangitiin ang mga munting anghel na nagkalat sa lansangan.
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.
Share this story by clicking the button below !
Visit and follow our website: Trending News Viral
© Trending News Viral
No comments:
Post a Comment