Saturday, August 4, 2018

Araw-Araw Nagsisimba Ang Babaeng Ito Pero May Kakaiba Pala Itong Kalokohan At Nabisto Ng Isang Bata


Kilalang Maka-Diyos at Laging Laman ng Simbahan ang Babaeng ito, Kakaibang Kalokohan ang Nabisto sa Kanya ng Isang Bata

“Ang tunay na maka-Diyos ay dapat laging nasa simbahan,” pangaral ni Aling Fe sa mga bata sa tapat ng bahay niya.



Nakabihis kasi siyang pangsimba at patungo na sa simbahan. Palagi niyang pinaparinggan ang mga tao na dapat silang manalig sa Diyos at huwag puro katamaran, sugal at kalokohan ang ginagawa.

Laman ng simbahan at 56 anyos na si Aling Fe o mas kilala sa simbahan bilang Sister Fe. Wala siyang anak o asawa. Paniniwala niya’y sa Diyos niya lang umano ilalaan ang buong buhay niya.



Ngunit hindi katulad ng ibang maka-Diyos na tao ay naiiba si Aling Fe. Masungit at madamot siya sa kanyang mga kapitbahay. Naniniwala kasi siyang hindi dapat pinatutunguhan ng maganda at hindi rin dapat bigyan ang mga kapitbahay niyang walang ibang ginawa kundi ang tumambay o magchismis ng kapwa.

Mainit ang dugo niya sa mga ito kaya wala rin siyang kaibigan. Bahay at simbahan lang ang kinaroroonan niya araw-araw.


Isang araw ay may isang naglakas-loob na mangutang kay Aling Fe. Kahit nag-iisa kasi ito sa buhay ay may-kaya to dahil sa buwanang padala sa kanya ng kapatid niyang nasa Amerika.


“Aling Fe, may sakit lang po ang anak ko, baka pwedeng makahiram sa inyo kahit 500 pesos pang-doktor. Ibabalik ko rin po sa sahod ng asawa ko sa katapusan.”

Ngunit imbes na maawa ay sumimangot agad ang matanda sa sinabi ng 35 anyos na ginang.

“Hay naku, Neth kung trabaho kasi ang inaatupag mo hindi puro chismis edi sana wala ka sa harapan ko ngayon.”

Nalungkot ang ginang, “Pasensya na po, pero hindi na kasi ako pwedeng magtrabaho dahil walang magbabantay sa mga anak ko.”



“Oh edi sana hindi ka nag-anak para di ka nahihirapan ngayon. Aanak-anak ka pa hindi mo naman pala kayang buhayin.”

Ngumiti nang mapait ang ginang, “Sige ‘di bale nalang ho, Aling Fe.”

Hindi pa doon natapos ang pag-uusap. Inis pang minura ng matanda ang ginang pagkaalis nito. Hindi niya napansing naroon pa pala ang siyam na taong gulang na anak ni Neth. Nakatingin sa kanya ang inosenteng mga mata nito.


“Sabi po ng nanay ko, close daw po kayo ni God,” nagulat siya nang magsalita ito, “Pero bakit po nagsasabi kayo ng bad words?”







“Wala kang pakialam, umalis ka na ring bata ka.”

“Mas mabait pa po pala ang nanay ko, kahit hindi siya nagsisimba tuwing sunday, hindi naman po siya nagmumura tulad niyo po.”

Napakunot-noo si Aling Fe sa sinabi ng bata.

“Sabi po kasi ng Papa ko, hindi naman daw po nakikita ang pagiging maka-Diyos sa pagiging palasimba, makikita daw po ‘yun sa pagtulong at paggalang sa kapwa.”

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment