Grade 2 lamang ang natapos ng nanay ni Claire dahil sa kahirapan ng buhay noon, sa maagang edad ay kinailangan nitong tumigil sa pag aaral dahil hindi na iyon kayang tustusan ng mga magulang nito. Tumulong na lang si Aling Celia sa nanay niya na maglabada, at nang magdalaga ay namasukan naman siya sa isang may kayang pamilya sa Maynila.
Doon niya nakilala si Jess, ang ama ni Claire at ng iba pa niyang mga anak. Si Jess ay ang bunsong anak ng kanyang mga naging amo sa Maynila, nahulog ang loob nila sa isa’t isa unang beses pa lamang silang magkita. Agad siyang niligawan ng lalaki, hindi alintana na katulong siya ng mga ito. Syempre ay tutol ang magulang ni Jess sa kanilang relasyon pero pinanindigan siya ng lalaki, inilayo siya nito at kahit naging mahirap ang buhay ay nagawa nilang magsama nang matiwasay.
“Nay, sige na umattend ka na please. Kailangan talaga ng magulang doon.” pangungulit ni Claire sa kanyang ina.
“Nako hindi ako mahilig sa ganyan, ang Tita Marlene mo na lang,” pagtanggi ng ina. Hindi naman talaga sanay humarap sa maraming tao si Aling Celia, mahiyain siya dala na rin ng pagiging no read no write niya.
“Nay iba syempre pag ikaw, nanay kita eh.Graduation ito ng college hindi ka ba masaya nanay? Summa Cum Laude ako.” malungkot na sabi ng dalaga.
“Masaya ako syempre, iyon yung parang first honor ka diba?Diba’t lagi nga akong nagpapancit noon at pag uwi ninyo ng tatay mo galing graduation magkakainan na, masaya ako anak.” sabi ng ginang pero halatang may bahid ng lungkot nang maalala ang asawa.
“Nanay, ngayong wala na po si tatay, magiging masaya ako kung ikaw na ang kasama ko. Kahit anong award ko sa school hindi ka pa nakapunta kahit isang beses lang.” nagsisimula na talagang magtampo si Claire, ito ang isa sa pinakamahalagang araw ng buhay niya at ayaw pa ng nanay niyang pumunta.
“Sige ano bang gagawin doon? Baka magsasalita ako sa unahan ha? Wala bang ganoon? At ano ang isusuot ko?” sunud sunod na tanong naman ng ginang. Ang totoo ay kinakabahan siya dahil hindi siya sanay sa mga ganoon, baka makagawa siya ng pagkakamali ay mapahiya lang ang anak dahil sa kanya.
“Wala ho, sasamahan mo lang akong mag-martsa tapos may mga magsasabi naman sa inyo kung saan uupo ang magulang, manonood ka lang nanay.Yun lang.” nakangiti si Claire, alam niyang nakumbinsi niya na ang ina.
Araw ng graduation.
Habang nagmamartsa ay halos maluha luha si Aling Celia. Wala nang mas hihigit pa sa nararamdaman niya ngayon, pakiramdam niya ay siya ang gumraduate. Ang mga pangarap na hindi niya naabot ay heto at nasa anak niya, ang lahat ng pinaghirapan nila ni Jess ay may kinalagyan. Napagtapos nila si Claire.
Pinaupo na ang mga magulang, at isa isang tinawag ang mga ga-graduate. Talaga namang ngiting ngiti ang ginang habang sinasabitan ng medalya ang anak, hindi niya man maintindihan ang sinasabi tungkol dito dahil Ingles iyon, alam niyang puro papuri ang ibinibigay ng mga guro sa kanyang anak.
Dahil hindi pa naka-attend ng graduation ni minsan ay hindi alam ni Aling Celia na may speech pala si Claire. Sa kabila ng Ingles na salita sa program ay pinili ng dalaga na magsalita ng tagalog, tutal para naman ito sa nanay niya.
“Magandang gabi po sa ating lahat,” nakangiti ang dalaga, aakalain ng lahat na kinakabahan siya dahil nanginginig ang kanyang boses pero ang totoo ay naiiyak kasi siya, masaya siya para sa kanyang ina.
Nagpasalamat siya sa mga guro at kaklase, sa eskwelahan.Pero sa huling part ng kanyang speech,
“Yung naka-bestidang asul po, sa gitnang bahagi malapit sa aisle, siya po ang nanay ko.” turo ni Claire sa ina. Halos matunaw ang ginang sa kinauupuan dahil nagtinginan sa kanya ang mga tao.
Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)
“Hindi po marunong magsulat at magbasa ang nanay ko. Isa siyang labandera,
nagkakasugat sugat ang kamay niya mapag aral lang ako, mapakain lang kami ng mga kapatid ko. Kinaya niya pong mag isa, kahit na sasabihin ng marami na mangmang siya, siya po ang pinakamatapang na babaeng nakilala ko. Alam ko hong nahihiya siya na humarap sa inyong lahat ngayon pero, sasabihin ko po, lahat ng meron ako-o ako mismo, ay wala dito, kung hindi dahil sa kanya.Kaya nanay, wag kang mahihiya dahil gabi mo ito, congratulations nanay, mahal kita.” madamdaming sabi ng dalaga.
Hilam naman sa luha ang mata ng ginang, nagtayuan ang mga tao at nagpalakpakan.
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.
Share this:
Doon niya nakilala si Jess, ang ama ni Claire at ng iba pa niyang mga anak. Si Jess ay ang bunsong anak ng kanyang mga naging amo sa Maynila, nahulog ang loob nila sa isa’t isa unang beses pa lamang silang magkita. Agad siyang niligawan ng lalaki, hindi alintana na katulong siya ng mga ito. Syempre ay tutol ang magulang ni Jess sa kanilang relasyon pero pinanindigan siya ng lalaki, inilayo siya nito at kahit naging mahirap ang buhay ay nagawa nilang magsama nang matiwasay.
Masipag si Jess at matalino, ito ang nagsilbing tagapagtanggol ni Aling Celia, tagapaghatid kaalaman at katuwang sa buhay. Kaya naman nang mamatay si Jess dalawang taon na ang nakakalipas ay halos gumuho ang mundo ng pamilya. Mabuti na lang at scholar si Claire, kung hindi ay baka napatigil siya ng pag aaral dahil balik sa paglalabada ang kanyang ina, habang ang mga kapatid niya naman ay high school pa lang.
“Nako hindi ako mahilig sa ganyan, ang Tita Marlene mo na lang,” pagtanggi ng ina. Hindi naman talaga sanay humarap sa maraming tao si Aling Celia, mahiyain siya dala na rin ng pagiging no read no write niya.
“Masaya ako syempre, iyon yung parang first honor ka diba?Diba’t lagi nga akong nagpapancit noon at pag uwi ninyo ng tatay mo galing graduation magkakainan na, masaya ako anak.” sabi ng ginang pero halatang may bahid ng lungkot nang maalala ang asawa.
“Nanay, ngayong wala na po si tatay, magiging masaya ako kung ikaw na ang kasama ko. Kahit anong award ko sa school hindi ka pa nakapunta kahit isang beses lang.” nagsisimula na talagang magtampo si Claire, ito ang isa sa pinakamahalagang araw ng buhay niya at ayaw pa ng nanay niyang pumunta.
“Sige ano bang gagawin doon? Baka magsasalita ako sa unahan ha? Wala bang ganoon? At ano ang isusuot ko?” sunud sunod na tanong naman ng ginang. Ang totoo ay kinakabahan siya dahil hindi siya sanay sa mga ganoon, baka makagawa siya ng pagkakamali ay mapahiya lang ang anak dahil sa kanya.
“Wala ho, sasamahan mo lang akong mag-martsa tapos may mga magsasabi naman sa inyo kung saan uupo ang magulang, manonood ka lang nanay.Yun lang.” nakangiti si Claire, alam niyang nakumbinsi niya na ang ina.
Araw ng graduation.
Habang nagmamartsa ay halos maluha luha si Aling Celia. Wala nang mas hihigit pa sa nararamdaman niya ngayon, pakiramdam niya ay siya ang gumraduate. Ang mga pangarap na hindi niya naabot ay heto at nasa anak niya, ang lahat ng pinaghirapan nila ni Jess ay may kinalagyan. Napagtapos nila si Claire.
Pinaupo na ang mga magulang, at isa isang tinawag ang mga ga-graduate. Talaga namang ngiting ngiti ang ginang habang sinasabitan ng medalya ang anak, hindi niya man maintindihan ang sinasabi tungkol dito dahil Ingles iyon, alam niyang puro papuri ang ibinibigay ng mga guro sa kanyang anak.
Dahil hindi pa naka-attend ng graduation ni minsan ay hindi alam ni Aling Celia na may speech pala si Claire. Sa kabila ng Ingles na salita sa program ay pinili ng dalaga na magsalita ng tagalog, tutal para naman ito sa nanay niya.
“Magandang gabi po sa ating lahat,” nakangiti ang dalaga, aakalain ng lahat na kinakabahan siya dahil nanginginig ang kanyang boses pero ang totoo ay naiiyak kasi siya, masaya siya para sa kanyang ina.
Nagpasalamat siya sa mga guro at kaklase, sa eskwelahan.Pero sa huling part ng kanyang speech,
“Yung naka-bestidang asul po, sa gitnang bahagi malapit sa aisle, siya po ang nanay ko.” turo ni Claire sa ina. Halos matunaw ang ginang sa kinauupuan dahil nagtinginan sa kanya ang mga tao.
Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)
“Hindi po marunong magsulat at magbasa ang nanay ko. Isa siyang labandera,
nagkakasugat sugat ang kamay niya mapag aral lang ako, mapakain lang kami ng mga kapatid ko. Kinaya niya pong mag isa, kahit na sasabihin ng marami na mangmang siya, siya po ang pinakamatapang na babaeng nakilala ko. Alam ko hong nahihiya siya na humarap sa inyong lahat ngayon pero, sasabihin ko po, lahat ng meron ako-o ako mismo, ay wala dito, kung hindi dahil sa kanya.Kaya nanay, wag kang mahihiya dahil gabi mo ito, congratulations nanay, mahal kita.” madamdaming sabi ng dalaga.
Hilam naman sa luha ang mata ng ginang, nagtayuan ang mga tao at nagpalakpakan.
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.
Share this:
Share this story by clicking the button below !
Visit and follow our website: Trending News Viral
© Trending News Viral
No comments:
Post a Comment