Kahit Mahirap ay Pabalik-balik na Hinahatid ng Lalaking Ito ang Tatlong Anak sa Eskwela Gamit ang Bisikleta, Paglipas ng Panahon ay Ito ang Iginanti ng mga Anak sa Kanya
Nagmamadaling inilagay ni Ignacio sa plastic ang mga nilagang kamote na babaunin ng mga anak sa eskwela. Mabuting siguraduhing busog ang mga ito para mabilis matuto, mahaba ang lalakarin ng mga bata papunta sa school kaya alas singko pa lang ng umaga ay gising na silang lahat.
Ang misis niya ang nag-aasikaso sa mga bata habang siya naman ang maghahatid , nagba-bike lang sila papasok para hindi na mahirapang maglakad pa ang mga ito at hindi na rin marumihan ang mga uniporme. Ngunit dahil isang bike lang ang meron siya at tatlo ang anak niya ay tatlong beses siyang nagpapabalik-balik para maiangkas ang mga ito isa isa.
“Tatay, ayos ka lang ba?” tanong ni Angelo sa kanya, ito ang bunso niyang anak at ang huli niyang ihahatid. Kita siguro ng bata ang butil ng pawis na tumatagaktak sa noo niya dahil sa pagod magpadyak, hindi biro ang ilang milyang layo ng eskwelahan sa bahay nila.
“Oo naman, exercise nga eh!” pinilit niyang pasiglahin ang kanyang boses.
Laking pasasalamat ni Ignacio at Sonya dahil mababait at matatalino ang kanilang mga anak, nag aral mabuti ang mga ito at nakakuha pa ng scholarship para makapasok sa kolehiyo. Alam naman kasi nila na kung aasahan ang sahod ni Sonya sa paglalabada at pagkakarpintero naman si Ignacio, imposibleng mapag-aral nila ang mga ito.
Lumipas ang panahon, ang panganay nilang si Sergio ay nakapagtapos na sa Maynila at doon na rin tumira simula nang magkatrabaho. Nagulat na lang sila isang araw nang may tumigil na magandang kotse sa tapat ng kanilang bahay at bumaba roon si Sergio.
“Tay, nay, sakay na kayo. Tay, ikaw naman ang iaangkas ko ngayon,” nakangiting sabi ng lalaki. Nahihiya man na itungtong ang paa sa napakagandang kotse ay nasasabik ring umupo ang mag-asawa.
“Saan ba tayo pupunta anak?” tanong ni Ignacio.
“Basta,” sagot lang ng lalaki. Makalipas ang ilang sandali tumigil sila sa isang magandang bahay, siguro ay kay yaman ng may ari noon. Napanganga si Sonya, mas malaki pa iyon sa bahay ng amo niya sa paglalabada.
“Kilala mo ang may ari niyan anak?” di nila maiwasang itanong dahil doon ito nagpark ng kotse sa bakuran ng bahay.
“Oo, magulang ko po ang may ari niyan.” nakangiting sabi nito.
Hindi makapaniwalang napayakap naman ang matandang mag asawa sa anak, nasa loob rin pala ang dalawang kapatid ni Sergio at masayang naghihintay sa kanila. Pinag usapan pala ng mga anak na sorpresahin silang dalawa, para maibalik ang mga sakripisyo nila sa mga ito.
Nagmamadaling inilagay ni Ignacio sa plastic ang mga nilagang kamote na babaunin ng mga anak sa eskwela. Mabuting siguraduhing busog ang mga ito para mabilis matuto, mahaba ang lalakarin ng mga bata papunta sa school kaya alas singko pa lang ng umaga ay gising na silang lahat.
Ang misis niya ang nag-aasikaso sa mga bata habang siya naman ang maghahatid , nagba-bike lang sila papasok para hindi na mahirapang maglakad pa ang mga ito at hindi na rin marumihan ang mga uniporme. Ngunit dahil isang bike lang ang meron siya at tatlo ang anak niya ay tatlong beses siyang nagpapabalik-balik para maiangkas ang mga ito isa isa.
Laking pasasalamat ni Ignacio at Sonya dahil mababait at matatalino ang kanilang mga anak, nag aral mabuti ang mga ito at nakakuha pa ng scholarship para makapasok sa kolehiyo. Alam naman kasi nila na kung aasahan ang sahod ni Sonya sa paglalabada at pagkakarpintero naman si Ignacio, imposibleng mapag-aral nila ang mga ito.
Lumipas ang panahon, ang panganay nilang si Sergio ay nakapagtapos na sa Maynila at doon na rin tumira simula nang magkatrabaho. Nagulat na lang sila isang araw nang may tumigil na magandang kotse sa tapat ng kanilang bahay at bumaba roon si Sergio.
“Tay, nay, sakay na kayo. Tay, ikaw naman ang iaangkas ko ngayon,” nakangiting sabi ng lalaki. Nahihiya man na itungtong ang paa sa napakagandang kotse ay nasasabik ring umupo ang mag-asawa.
“Saan ba tayo pupunta anak?” tanong ni Ignacio.
“Basta,” sagot lang ng lalaki. Makalipas ang ilang sandali tumigil sila sa isang magandang bahay, siguro ay kay yaman ng may ari noon. Napanganga si Sonya, mas malaki pa iyon sa bahay ng amo niya sa paglalabada.
“Kilala mo ang may ari niyan anak?” di nila maiwasang itanong dahil doon ito nagpark ng kotse sa bakuran ng bahay.
“Oo, magulang ko po ang may ari niyan.” nakangiting sabi nito.
Hindi makapaniwalang napayakap naman ang matandang mag asawa sa anak, nasa loob rin pala ang dalawang kapatid ni Sergio at masayang naghihintay sa kanila. Pinag usapan pala ng mga anak na sorpresahin silang dalawa, para maibalik ang mga sakripisyo nila sa mga ito.
Share this story by clicking the button below !
Visit and follow our website: Trending News Viral
© Trending News Viral
No comments:
Post a Comment