Tuesday, April 26, 2022

Bagama’t nakuhaan ng larawan na nagyakapan na sila ni Gerson Dave Gonzales. Nilinaw ni Lolo Julian na hindi siya nakipag-areglo dito.



 Sa episode ng BITAG ni Ben Tulfo, ibinahagi ng programa ang tulong naginawa nila para kay Lolo Julian. Ang lolo na nagviral dahil pinalo siya ng baseball bat na nag-ugat sa away trapiko.

Nakuhanan pa ng video ang pangyayari. Sa video, makikitang sinisigawan ng lalaking may hawak ng baseball bat ang isang senior citizen.




Nang akmang babaklasin ng senior citizen ang license plate ng sasakyan ng lalaki ay tatlong beses siyang hinampas ng motorista at natamaan ang kanyang ulo at balikat. Humandusay sa kalsada ang senior citizen ngunit nakatayo rin.


Nang mag-viral naman ito ay kinilalang ang lalaking nasa video ay si Gerson Dave Gonzales. Nanghingi na ito ng tawad kay Lolo Julian at may larawan pa na nagkayakapan na sila.


Ngunit sa programang BITAG nga ay nilinaw ni Lolo Julian na hindi siya nagpa-areglo. Aniya pinatawad niya daw ito at nakipagyakapan lang siya para makuha na ang kanyang lisensya.


Takot na takot na daw kasi siya ng mga oras na iyon pero handa pa rin daw siyang isulong ang pagsampa ng kaso laban kay Gerson.



Ani Lolo Julian, “Hindi [ko] po [siya pinatawad], para lang makuha ko lang ‘yung lisyensa ko para makauwi na ko, kasi natatakot na ko. Walang pirmahan na nagka-areglo na kami”




Napilitan lang din daw ang matanda na yakapin at magpakuha ng video at picture. “Hindi po, ang sinadya ko lang para lang matapos at makuha ang lisyensa ko kasi natatakot na ako”


Panoorin dito ang kabuuan ng ulat:

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment