Thursday, December 16, 2021

Isang Pari na nagbigay ng homily sa isang kasal, ex-boyfriend pala ng bride!


 


Marahil ay madalas na ninyong marinig ang mga katagang “Maliit lang ang mundo”. Ito ay nangangahulugan na madalas ay nagtatagpong muli ang tadhana nang dalawang tao na minsan nang nagkakilala o nagkasama.






Kung kaya naman madalas na payo sa atin ng mga matatanda ay maging mabuti tayo sa lahat ng taong ating nakakasalamuha. Kamakailan lamang ay talagang pinag-usapan ng maraming mga netizens ang isang pangyayari na ito kung saan ang pari na mismong nagbigay homily sa isang kasal ay dati palang nobyo ng bride!


Sa YouTube channel ni Fr. Roniel Sulit na Fr. Roniel El Haciendero ay ibinahagi niya ang video na ito. Natatawa din niyang ibinahagi ang naging nakaraan nila ng babaeng ikakasal ngunit binigyang-diin naman niyang ito ay nakaraan na at ang tanging hiling niya para sa bagong kasal ay ang maayos at masayang pagsasama nila.


Maraming mga netizens ang nakapansin na walang halong pait at pagsisisi o kahit panghihinayang man lamang ang bawat salitang binitawan ng pari. Talaga namang maraming mga netizens ang bumilib sa pari at maging sa bride at groom na ikinasal.


Narito ang ilan sa kanilang mga naging pahayag:

“This vlog made my night <33 grabe ang genuine ni Fr. Roniel, i can feel na wala talagang bitterness and they are both happy sa decisions nila in life. Best wishes to the newly wedded!! and to father, sana palaging payapa at masaya po ang puso mo. see you around in Lipa Batangas, Father!” Pahayag ng isang netizen.



“I felt the kilig and the kaba. thats the challenge of being a pari yung kaya niang harapin ang past at ikasal yung taong once naging part ng life nia.. So brave! Congrats to the newly wed.” Komento pa ng isa.


“I rarely see priests who have this kind of sense of humor. Nakakatuwa panoorin si Father kasi yung sense of humor niya kita sa personality at pagsasalita niya and this vlog is very light. Ang sarap panoorin. Nakangiti lang ako the whole time. Hehe. Thank you Father!” Turan naman ng isa pa.


So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment