BATA MULA DAVAO ORIENTAL, NAGLALAKAD GAMIT ANG KANYANG MGA KAMAY
"Naiinggit ako sa ibang bata kasi nakakalakad sila nang normal, nakakatakbo. Nakakapaglaro sila kasama ng ibang mga bata.
Habang ako, ganito—nakakalakad lang kapag nakabaligtad ang sarili.
Lagi kong tinatanong kay Mama, 'Bakit ako ganito? Bakit hindi ako katulad ng ibang bata?'
Madalas, inaasar ako ng ibang mga bata sa eskuwela. Tinatawag nila akong lumpo.
Kaya lumalayo na lang ako.
Nakakawalang gana pong mag-aral kung minsan. Pero sabi ko sa sarili ko, gusto kong mag-eskuwela para matupad ang pangarap ko. Gusto ko pong maging abogado."
-Ralph
“Tatlong taong gulang siya nu’ng nagsimula niyang gamitin ‘yung mga kamay niya sa paglalakad.
Palagi niya akong tinatanong, ‘Ma, bakit hindi ako katulad ng ibang bata? Bakit sila marunong na maglakad at tumakbo?’
Sinasabi ko na lang sa kanya na, ‘Tanggapin mo na lang, Ralph. Wala kasi tayong pera pampagamot.’
Nakakaiyak kasi wala akong magawa para sa anak ko.
Sinasabi ko sa Panginoon na sana tumagal pa ‘yung buhay naming mag-asawa para maalagaan namin si Ralph. Kahit mahirap, kailangan naming tatagan ‘yung loob namin-- para kay Ralph.”
-Nanay Alma
nanay ni Ralph


Thank you so much for sharing a bit of your precious time to visit this site. You can SHARE this now with your family and friends via FACEBOOK to get others informed about it.You can also like our page on Facebook and visit our site more often for more informative updates that are truly worth a second to spare on.
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of this site. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site shall not be responsible for any inaccurate information caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.