Ang medical ay isa sa pangunahing requirements para makakuha ng trabaho, kinailangan magpa-medical ni Kent Ryan Tomao, na taga Kidapawan city.
Nang isagawa ang kanyang x-ray, laking gulat niya sa natuklasan sa kanyang katawan ang isang kutsilyo! kita sa kanyang x-ray ang halos isang buong kutsilyo na malapit sa kanyang baga.
Kwento ni Tomao, Enero ng nakaraang taon, nasaksak siya matapos mapagdiskitahan. Isinugod siya noon sa isang pampublikong ospital sa Cotabato at agad tinahi ang kanyang sugat.
Hindi raw lubos akalain ni Tomao na hindi pa pala natanggal ang kutsilyo sa kanyang katawan. kya naman laking gulat niya ng lumabas ito sa kanyang x-ray.
Dahil sa naiwang kutsilyo sa kanyang katawan ay hindi siya natanggap sa trabahong ina-apply-an niya sa Agusan del Sur.
Plano ngayon ni Tomao na bumalik sa hospital kung saan siya inoperahan para maipatanggal ang nakabaon paring kutsilyo sa kanyang katawan.
Naipag bigay alam na rin umano sa naturang ospital ang natuklasan kay Tomao. Humihingi naman ng Tulong pinansiyal si Tomao para makauwi siya sa Kidapawan.
Sa mga nais tumulong maaring kumontak sa :
0951-789-2879
Share this story by clicking the button below !
Visit and follow our website: Trending News Viral
© Trending News Viral
No comments:
Post a Comment