Mahirap para sa isang ama na itaguyod mag-isa ang mga anak lalo na kung tatlong sanggol ang kanyang aalagaan at walang ina na magbibigay ng kanyang natural na gatas.
Viral ngayon ang facebook post ng isang ama na naulila sa kanyang asawa matapos na manganak sa tatlong anak nila. Kinilala ang ama na si Joel Regal at ang kanyang asawa ay si April Regal.
"Mga anak ko kayo nalang lakas ko wala na si nanay nyo gagabayan nya tayo andyan lang sya sa tabi nyo hindi nyo man sya nakita mahal na Mahal kayo ng nanay nyo babantayan nya kayo haggang sa paglaki mahal ko kung nasan kaman ikaw na bahala sa amin ng mga anak mo Mahal na Mahal ka namin I love you so much Mahal ko" -Joel Regal, Marso 21, 20121.
"Asawa ko eto na sila baby natin gusto kana nila makita papabuhat na sila sayo gagabayan mo sila ah pipilitin kung maging matatag para sakanila Alam ko lahat ng hirap mo nun nasa tyan pa sila wag ka magaalala yun mga pangarap natin para sa kanila tutuparin ko yan basta lagi mo lang kami babantayan wag mo sila hayaang magkasakit ah babantayan mo Kami palagi Mahal na mahal ka namin ng mga anak mo ng mga prinsesa natin I love you so much nanay eprel," dagdag pa niya.
Marami namang netizens ang nalungkot para kay Joel dahil mahirap para sa isang ama ang magtaguyod ng tatlong sanggol at mawalan ng minamahal sa buhay na kanyang asawa. May mga nalungkot din para sa tatlong mga sanggol dahil nawalan sila ng ina at hindi manlang nila nasilayan ang nagluwal sa kanila.
Masyado pang maaga ang pagkawala ni April ngunit walang makakapagsabi kung hanggang saan na lang ang buhay ng tao. At mananatiling ina si April sa kanyang tatlong mga anak at mabuting misis para sa kanyang naulilang mister.
Mga anak ko kayo nalang lakas ko wala na si nanay nyo gagabayan nya tayo andyan lang sya sa tabi nyo hindi nyo man sya...
Posted by Joel Orbello Regal on Saturday, March 20, 2021
Share this story by clicking the button below !
Visit and follow our website: Trending News Viral
© Trending News Viral
No comments:
Post a Comment