Monday, January 25, 2021

Huli sa Akto si Mister nakasama ang kabet sa loob ng Kotse


 Nahuli ng misis ang panlolokong ginawa ng kaniyang asawa, matapos itong kutuban at sundan ang sasakyan ng asawa.

Hindi maikakailang, marami nang mga pangyayari kung saan nahuhuli ang mga pangangaliwa ng mga asawa, mister man o misis. Ang iba pa nga sa ito’y nakuhanan ng video at nag-viral.


Katulad na lamang ng pangyayaring ito sa Thailand, kung saan nagkakaroon na ng ideya ang misis ukol sa pagtataksil ng kaniyang mister. Kaniya itong sinundan, sakay ng motorsiklo, hinabol ang kotse ng lalaki.


Nang huminto na ang sasakyan, lumabas ang kaniyang asawa. Sa tagpong iyon, nakita niya ang kabit, suot ang damit na tila kinulang sa tela.

Pinapababa ito ng misis ngunit hindi ito bumaba sapagkat natatakot itong masaktan ng isang babaeng pinagtaksilan. Ngunit nahagip ng misis ang bag ng babae at pinaglalabas ang mga laman nito.


Lumantad sa harapan nito ang ilang condom at samu’t-saring aparatong minsa’y ginagamit sa pagtatalik, na lalong nakapagpasiklab sa galit ng misis.

Pinaulanan nito ng salita ang babaeng nagtatago sa sasakyan, doon na ito sinubukang awatin ng mister. Giniit pa nitong isa lamang iyong hindi pagkakaunawaan at walang ibang nangyayari sa kanila ng babae.


Ngunit, matapos na hindi makinig ng asawa, bigla na lamang nitong hinataw ang sasakyan paalis. Iniwan ang babaeng kaniyang pinakasalan, at sumama sa babaeng kaniya nang kinababaliwan.


Ang pangyayareng ito ay hindi na bago dito sa Pilipinas at karamihan ay nakapag kaso o gustong kasuhan ang kanilang asawa ng concubinage. Ano ba ang Concubinage?




Ang pangangalunya o pangangaliwa ay mayroong karampatang parusa rito sa Pilipinas. Kung ang lalaki ang nagtaksil tinatawag itong Concubinage kung saan maaaring masintensiyahan ng anim na buwan hanggang apat na taon at dalawang buwang pagkakakulong. Ngunit kung babae naman ang nangalunya, maaaring mapatawan ng dalawang taon, apat na buwan at isang araw hanggang anim na taong pagkakabilanggo sa kasong Adultery.


Mabibigay lamang ang ganitong kaparusahan kung magsasampa ng kaso at mayroong sapat na ebidensiya.


Kasalanan ang pangangalunya o pangangaliwa. Labag ito sa batas at mali ito sa mata ng Diyos.

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment